" IBA" Bakit iba kana ? Kaysa noong una kitang makita Bakit wala na ? ang masiglang mong mukha Mukha na kay sarap pagmasdan O di naman kaya'y titigan Nawala na ang dating ganda Yung tipong ganda na d ko inaakala Yun naman pala! Inaabuso kana Kasabay ng iyong pagka-ubos at unti-unting pagkawala! Ay syang pagkawala rin ng iyong taglay na saya Yung akala mong poprotekta sayo Ay sya rin palang aabuso Ang dating matatayog na puno Ngayon ay nasaan na? Ang dating asul na yamang tubig Ay bakit itim na ? Ang mga bulubundukin Bakit patag na rin? Kay lungkot isipin ngunit, Ibang iba ka na talaga Kaysa noong una kitang makita Ang dating gandang taglay Ngayon ay wala nang buhay Grabe na talaga!ang iyong pagka lupaypay Hanggang sa di mo na kaya Talagang naubos kana At unti unti nang nawawala Salamat dahil sa kabila ng lahat Iyong tulong at halaga ay sobrang sapat Ngayong wala ka na Doon lang makikita ang iyong halaga Halaga na,sa huli lang nakita Napagtatanto na ang kamalian Lal...
Posts
- Get link
- X
- Other Apps
Mamc Sa iyong tiyan ako iyong inalagaan ng siyam na buwan handang isinugal ang buhay ng walang alinlangan kahit kabilang paa mo ay naka lagay sa hukay para lang ako ay iyong isilang unang salita na aking babanggitin ay iyong inabangan unang hakbang ko ay gusto mong masilayan at ingat na ingat kang hindi ako masugatan ayaw mo akong makitang nasasaktan kahit sa lamok ayaw mo akong ipakagat at todo asikaso kapag ako ay merong lagnat at hindi mo pinagdamot sakin ang iyong pagmamahal kahit na ang ulo ko ay may katigasan andiyan ka lagi kapag ako ay malungkot at kapag ako ay nangangailangan tiniis mo ang sakit at hirap para sakin salamat Mamc salamat sa lahat kung hindi dahil sa inyo wala ako sa mundong ito Submitted by: Rhazel Bong S. Rebancos