"IBA" 
Bakit iba kana ?
Kaysa noong una kitang makita
Bakit wala na ?
ang masiglang mong mukha
Mukha na kay sarap pagmasdan
O di naman kaya'y titigan
Nawala na ang dating ganda
Yung tipong ganda na d ko inaakala
Yun naman pala!
Inaabuso kana
Kasabay ng iyong pagka-ubos at unti-unting pagkawala!
Ay syang pagkawala rin ng iyong taglay na saya
Yung akala mong poprotekta sayo
Ay sya rin palang aabuso
Ang dating matatayog na puno
Ngayon ay nasaan na?
Ang dating asul na yamang tubig
Ay bakit itim na ?
Ang mga bulubundukin
Bakit patag na rin?
Kay lungkot isipin ngunit,
Ibang iba ka na talaga
Kaysa noong una kitang makita
Ang dating gandang taglay
Ngayon ay wala nang buhay
Grabe na talaga!ang iyong pagka lupaypay
Hanggang sa di mo na kaya
Talagang naubos kana
At unti unti nang nawawala
Salamat dahil sa kabila ng lahat
Iyong tulong at halaga ay sobrang sapat
Ngayong wala ka na
Doon lang makikita ang iyong halaga
Halaga na,sa huli lang nakita
Napagtatanto na ang kamalian
Lalo na ang iyong kahalagahan
Hayaan mo wala kang kasalanan
Ngayon ay magpahinga kana
At kami na ang gagawa ng paraan
"Oo!paraan dahil kami ang dahilan ng iyong pamama alam
Submitted by: Merry Lanoy

Comments