Mamc

Sa iyong tiyan ako iyong inalagaan ng siyam na buwan
handang isinugal ang buhay ng walang alinlangan kahit kabilang paa mo ay naka lagay sa hukay
para lang ako ay iyong isilang
unang salita na aking babanggitin ay iyong inabangan
unang hakbang ko ay gusto mong masilayan
at ingat na ingat kang hindi ako masugatan ayaw mo akong makitang nasasaktan
kahit sa lamok ayaw mo akong ipakagat at todo asikaso kapag ako ay merong lagnat
at hindi mo pinagdamot sakin ang iyong pagmamahal kahit na ang ulo ko ay may katigasan
andiyan ka lagi kapag ako ay malungkot at kapag ako ay nangangailangan
tiniis mo ang sakit at hirap para sakin
salamat Mamc
salamat sa lahat kung hindi dahil sa inyo wala ako sa mundong ito


Submitted by: Rhazel Bong S. Rebancos


Comments